Thursday, July 1, 2010

Para Kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III


Sabi ko may tamang hinala ako sayo. Sana mabago mo ang pananaw kong ito sa iyo. Nung sumumpa ka kahapon sa harap naming mga Pilipino at mga dayuhan mong panauhin, sana ay tuparin mo ang iyong mga pangako na ipinahayag mo sa iyong kauna-unahang talumpati.

Kung kami ang boss mo, sana nga ay sundin mo kami, pakinggan ang aming mga hiling at isinisigaw. Isang madilim na 9 na taon ang aming naranasan sa natapos na administrasyon, sana nga ikaw ang magdadala sa amin sa liwanag at sa bagong Pilipinas. Alam kong hindi ka Diyos, at maaaring hindi mo magawa lahat ng iyong nasabi. Ngunit sana marami kang mabago sa ating bansa.

Sa totoo lang, hindi ang bilog na hugis itlog na katabi ng iyong pangalan ang aking minarkahan noong nakaraang halalan. Sana ay mapaniwala mo rin ako sa iyong kakayahan. Sana nga ang iyong pagiging Aquino ay may kabuluhan.

Sa susunod na 6 na taon, ika'y aking mamatiyagan ng maigi. Sana nga mabago mo ang PIlipinas. Sana nga maiahon mo sa kahirapan ang ating naghihikahos na bansa.

No comments:

Post a Comment

Quick Links

Related Posts with Thumbnails